Edukasyon Susi Sa Tagumpay Essay

ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON 

KRIIINNNGGG!!! KRINNNGGG!!! KRIIINNNGGG!!! PASUKAN NA!

Ang edukasyon ang susi sa tagumpay. Lahat tayo ay mayroong karapatang makapag-aral. Lahat rin naman ng tao ay ninanais makapag-aral ngunit sadyang hindi ito pinapahalagahan ng iba. Kapag ikaw ay nakapag-aral mataas ka, edukada, edukado, ngunit hindi mo naman kailangang ipagyabang ito dahil ang iba ay sadyang hindi nakapag-aral dahilan ng kahirapan, imbis na ipagyabang mo ay tulungan mo silang makapag-aral. Maraming tao ang hindi nakakapag-aral dahilan na nga lang ng kahirapan kaya maraming bata tayong nakikita na nagbobote-bakal, namamasura, nagtatrabaho at iba pa ay dahil sa hindi sila makapag-aral at ito lamang ang kanilang pwedeng gawin para tulungan nila ang kanilang mga magulang.

Maraming tao ang nakakapag-aral ngunit ang tanong ay pinagbubutihan mo ba? Karamihan sa mga istudyante ay hindi pinahahalagahan ang edukasyong ibiniyaya sa kanila. Ginagawa nilang laro lamang ang pag-aaral katulad na lang ng pagliban nila sa klase araw-araw ng walang dahilan, pagka-cutting sa klase at ang pinaka mahalaga ay ang nasa klase nga, pumasok nga, pero ang utak ba ay kasama? Physically Present but MENTALLY ABSENT.Minsan ang karamihan naman ay pumapasok lamang dahil sa baon na ibinibigay sa kanila. Paano iyon, kung di ka binigyan ng baon edi hindi ka na papasok? Napakagandang dahilan naman nyan para sabihin sa guro.

Ang poblema kasi sa'tin ay naghahanap pa tayo ng kabayaran sa bawat ipinapagawa nila. Sa totoo lang hindi naman kailangan pa natin ng malaking baon, ang kailangan lang naman natin ay sapat na baon para makakain tayo. Kapag nakapagtapos ka na rin naman ng pag-aaral ay makakaya mo ng bilhin ang lahat ng gusto mo at ang masaya pa doon ay sariling sikap mo. Swerte nga tayo dahil pinag-aaral tayo ng mga magulang natin at tayo ay nakakakain pa ng tatlong beses sa isang araw. Alam niyo bang ang iba ay nagtatrabaho pa para makapag-aral lang sila at kung minsan ay isang beses sa isang araw lamang sila kumakain at hindi tulad natin na kailangan pang pilitin ng magulang upang pumasok sa paaralan?

Napakaraming pagkakataon ang inuubos natin kung ganoon. Tayo na nga itong binibigyan ng pagkakataon para makapag-aral ngunit tinatanggihan pa natin. Ngayo'y tignan mo naman ang mga taong nagpapakahirap para makapag-aral lamang, hindi ba kailangan pa nilang dumaan sa masakitang paraan? Nag-uubos lamang tayo ng oras sa ibang mga bagay imbis na mag-aral. Napakaraming tao ang ninanais na makapag-aral ngunit tignan mo ang karamihan sa atin, ibinabasura at pinagwawalang-bahala lamang ang pag-aaral.

Kaunting tiis lang naman ang kailangan natin. Kaunting tiis at matuto naman tayong maghintay. Mag-aral ng mabuti para kapag nakapagtapos ka na, kaya mo ng buhayin ang sarili mo pati na rin ang pamilya mo. Oo, matagal ang taon na ginugugol natin para makapag-aral tayo pero ang lahat ng ginagawa nating pag-aaral na ito ay para rin naman sa ating kinabukasan.

Kung hindi ka nakapag-aral sa tingin mo ba ay tatanggapin ka sa mga magagandang trabaho? Diba hindi? Kaya kung gusto mong magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng panahon ay ngayon palang pagbutihan mo na ang pag-aaral mo! Hindi habang buhay ay nasa pader ka ng mga magulang mo at hindi rin habang buhay ay umaasa ka sa mga magulang mo, kakailanganin mo ring mamuhay ng mag-isa at bumuo ng sarili mong pamilya.

Kaya habang maaga palang ay simulan mo ng pagbutihan ang pag-aaral mo ng sa ganoo'y pagdating ng panahon ay kakayanin mo ng mag-isa ng walang tulong ng iba kung hindi ang edukasyon mong natamo na kahit sinuma'y HINDI MANANAKAW.

 

Edukasyon.. susi para sa tagumpay

Edukasyon? Ano nga ba ang edukasyon? Bakit nga ba itokailanagan? Ano nga bang maaaring maging impluwensya nito sabuhay ng isang tao? Anong klase ng layunin meron ito at higit sa lahatano nga bang kagandahang maidudulot nito kaya’t nasabing susi parasa tagumpay?Saksi tayo sa pangaraw-araw nating gawain, mula sa maliithanggang sa paglaki, saksi tayong ang edukasyon ay parte na ng atingbuhay. Kasabay rin ng ating paglaki, lumalawak ang ating kaalaman atkaisipan sa tulong ng edukasyon. Marahil ay may malaki nga itongginagampanan sa ating buhay, kasabay rin nito natututunan natingmakihalubilo sa bawat kung sino mang makasama o makilala natin sapaaralan, kasama na riyan ang kapwa magaaral, kayo, aking mgakapwa mag-aaral, tila isang tunay ng kapatid o kapamilya ang turingko sa inyo at ang guro naman bilang pangalwang magulang, marahilay sa kadahilanang mas matagal ang inilalagi natin sa paaralan kaysasa tahanan.Meron namang kasabihan sa ingles na “There is no Royal Road foreducation”. Wala raw natatanging daan tungo sa pagtuklas ngkarunungan kundi pagsususnog ng kilay, kundi paghahasa ng utak atpagbubuklat ng mga libro, na syang tunay namang tama hindi ba?Wala rin daw gintong kutsarang magsusubo ng karunungan attagumpay, tagumpay na magmumula sa karunungan at karunungannamang hatid ng edukasyon. Ngunit paano nga ba magkakaroon ngtagumpay na dapat kamtan kung wala namang karunungan? Kungwala namang edukasyon? Yan ang ilan lamang sa mga katanungan samga batang palaboy-laboy lamang sa lansangan, mga batang tilawalang mga magulang, mga batang parang basta na lang pinataponkung saan mang sulok ng lipunan. Ngayon ibase mo ang mga batang

0 thoughts on “Edukasyon Susi Sa Tagumpay Essay”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *